Saturday, July 14, 2007

minsan

minsan di mo talaga kilala ang sarili mo.
minsan kaylangan pagsabihan ka nang iba (kahit paulit-ulit) na ganito ka pala.
minsan naman pag ikaw ang nagsasabi may hindi makikinig.
minsan may gusto kang iparating, di naman marunong umintindi.
minsan di mo alam, mali ka na pala, naku delikado yun! whapack!
minsan mahirap lang talaga magpaliwanag.
minsan sobra ang pag-iisip mo sa sarili mo.
minsan naman sobra ang pag-iisip mo sa ibang tao.
minsan mahirap umamin..o mahirap magsinungaling.
minsan pinagsasabihan ka dahil mahal ka at may paki siya.

~chorva~

No comments:

Post a Comment