they're so...chorva.
ha!
may panandaliang kadramahang naganap sa mga mata kong epal nung isang araw. dala lang siguro ng kung anu anong iniisip. may mga mahahalagang pangyayari kasi na pinalampas ko dahil ng mga sakripisyong nalalaman...
oh well, on the brighter side, i get to go home this weekend for MY DAY..isang chorvang araw lang naman. di ko rin matiis ang pamilya ko. i miss them very much. and our house, and monica, and my bed, and the cool provincial breeze, and the quiet neighborhood. yak. nostalgic mode.
pero, kailangan ko paring makatapos sa takdang oras. walang dapat magalaw sa iskedyul ng produksyon...ang presentasyon keri lang. pero di maaring mag-lax. may debut pa ng mahal kong pinsan at UP fair akong balak namnamin. hehehehe. kaya eto, magpupuyat. isang linggo nalang or so...konti nalang. kahit lumayo pa...konti nalang...
...
naiisip mo siguro kung anung ibig sabihin ng blog title ko noh?
haha. dahil yan sa isang enok. na kahit libre lang sa job fair eh nakakatuwang surprisa na gumawa ng araw ko, kahit namimilipit na nung mga sandaling iyon ang sinumpong kong "tiyan".
(half awake) anu yan?...
(may inilalagay sa kamay) libre lang sa job fair.
(bangag) ahh...okay...salamat. (balik tulog) zzzzzzz....
Tsaka ko lang naisip ang mga kaganapan pagkagising ko. haha. ang kyut ng watch! wee! lab et. kahit libre, eh ano. haha. enok. napaka enok.